
i-FM (DWKC 93.9 MHz Metro Manila) is a music FM station owned and operated by Radio Mindanao Network in the Philippines. The studio is located at the Guadalupe Commercial Center, Makati City.
Kamote Club with Pakito Jones and Sir Rex Kantatero
Mondays to Saturdays tuwing 5am hanggang 9am
Ano pang hahanapin mo para pampagising sa umaga mo? Kung gusto mong simulan ng masaya ang araw mo, makinig ka na sa Kamote Club kasama si Pakito Jones at Sir Rex Kantatero, bubulabugin nila ang umaga mo sa mga cover nila ng mga sikat na kanta at sa mga kwentong tiyak na kikilitiin ka!
Rob the Lover Boy and Lolo Barbers
Mondays to Saturdays tuwing 9am hanggang 12pm
Lolo sa radio? Oo! Ang nag iisang Lolo sa Radio kasama si Rob the Lover Boy! Pakinggan ang kakaibang samahan nilang dalawa tuwing umaga! Malalaman mong hindi lang pala ang mga bata ang kayang magpatawa dahil kay Lolo Barbers, idagdag mo pa ang kagwapuhan ni Rob the Lover Boy, makukumpleto ang umaga mo!
Megandang Megan
Mondays to Saturdays 12pm hanggang 3pm
Tuwing tanghalian naman ay makakasama mo ang Pambansang Ulam. Tiyak na hindi ka na maghahanap pa ng iba dahil kay Megandang Megan, liligaya ka na bubusugin ka pa niya sa kakatawa! Makisali na sa TongTanongTong at malalaman mo na hind lang pala ikaw ang baliw sa mundo, marami-rami din pala tayo!
Roger Luntian
Mondays to Saturdays 3pm-6pm
Gusto mo ng kakaiba sa buhay mo? Si Roger Luntian ang bahala sa iyo! Rapper sa radio, DJ ng puso mo! Ibang klaseng ligaya ang handog ni Roger Luntian sa mga makatang salita at iba-ibang istilo ng pag bibitiw nito. Iikot ang mundo mo basta si Roger ang nagpapasaya sa tenga mo.
Yummy Yumi
Mondays to Saturdays 6pm-10pm
L na L ka na ba? Lonely and Late na namaN? Pinakalatest na balita at mga ulat ng trapiko ang hatid ng Pinakamagandang Panget sa balat ng Radyo. Si Yummy Yumi na ang bahala sa gabi mo para hindi ka naiiwan sa uso. Siguradong mawiwindang ka sa lambing at ligaya hatid ng mga balita niyang nakakatuwa! Pagdating pa ng 9pm kasama na niya si Kuya Jobert, kaa mga Dre mas masaya ang party natin sa gabi!
Itanong mo kay Kuya Jobert (at kay Kuya Jay)
Mondays to Saturdays 10pm - 1am
Ito na ang pinaka inaabangan, 9pm pa lang makakasama mo na ang kuya ng bayan, si Kuya Jobert kasama si Yummy Yumi, at 10pm naman kasama si Kuya Jay! Sabi nila na pag binigay daw ang ligaya, siksik, liglig, at umaapaw pa, lahat yan madodoble pa dahil dalawang makulit ang iyong makakasama! Kasama ang buong barkada, itawag niyo na ang inyong problema, dahil ang sagot jan si Kuya Jobert lang!
Anton de Gracia
Tuesdays to Sundays 1am -5am
Pag hindi makatulog, wag daw pipilitin, lalo na kung ayaw talagang matulog dahil gusto pa rin niyang manatiling gising! Makinig kay Anton de Gracia at mababaliw ka sa Limang Tuktok niya. Isa, dalawa, tatlo, apat, limang beses ka pang tatawa ng tatawa kaya pag insomnia ang kalaban, itawa mo na lang!
Nikka Diyosa
Sundays 1pm to 3pm and 6pm - 10pm
Marami ang nagsasabing sila ang Diyosa sa balat ng Radyo, pero isa lang ang babaeng may mukha para sa titulong ito, si Nikka Diyosa! Tuwing Linggo maririnig ang alindog ng langit, binaba sa lupa para mang akit. Ligaya ang handog ni Nikka Diyosa kaya pag linggo, tara na!
Jhoy-Jhoy
Sundays 3pm to 6pm and 10pm to 1am
Twice the fun ang kulitan pag si Jhoy-Jhoy na ang napapakinggan! Remember, not once, but twice! Kung akala mo masaya ka na, tatumbling ka pa pag si Jhoy-Jhoy na ang kasama! Mas machikka pa sa nanay mo, at mas makulit pa sa ate mo, babanatan ka ng isang dosenang chikka para ang Linggo mo ay puno ng saya!